Asahan ang mabilis na paglago ng ekonomiya partikular ang Gross Domestic Product sa ikalawang quarter ng taon.
Ayon kay NEDA o National Economic and Development Authority Director-General Ernesto Pernia, posibleng umabot sa 7 percent ang GDP growth ngayong 2nd quarter kumpara sa 6.4 percent noong unang tatlong buwan ng taon.
Bunsod ito ng malakas na year-to-date growth sa exports at agriculture sectors sa kabila ng mahinang election spending noong isang taon.
Ang mabagal anyang GDP growth rate noong Enero hanggang Marso ay bunsod ng mahinang government spending at mataas na presyo ng consumer goods.
By Drew Nacino
Ekonomiya lalago pa sa 2nd quarter ng taon—NEDA was last modified: June 13th, 2017 by DWIZ 882