Nagkasundo ang Britanya at France na magkatuwang nilang lalabanan ang terorismo.
Isa nga sa nakikita nilang paraan ay ang pagpigil sa mga terorista na magamit ang internet sa kanilang panghihikayat.
Batay sa napagkasunduan ng dalawang (2) makapangyarihang bansa ay ang posibleng pagpapanagot sa mga tech companies kung mabibigo ang mga ito na tanggalin ang mga post na may kinalaman sa terorismo at radikalisasyon.
Matatandaang ang France at Britanya ang ilan sa mga nagiging sentro ng mga pag-atake na ikinasasawi ng maraming sibilyan.
By Ralph Obina
Britanya at France magsasanib-puwersa kontra terorismo was last modified: June 13th, 2017 by DWIZ 882