Pumirma na ng kontrata si Queen of All Media Kris Aquino para sa gagawin niyang Hollywood movie.
Ibinahagi ito ni Kris sa kanyang instagram account subalit hindi na nagbigay ng iba pang detalye.
Una nang ibinalita ni Kris na mayroon na siyang agent sa Hollywood pati ang matagumpay niyang audition sa pelikula ng isang major film outfit sa Amerika.
Sinabi ni Kris sa isang post na magsho-shooting siya sa Singapore bilang bahagi ng katuparan ng kaniyang pangarap.
By Judith Larino