Sinimulan nang arestuhin ng US Immigration ang mga Iraqi immigrants na nakalinyang ipadeport sa kanilang bansa dahil nahaharap sa iba’t ibang klase ng krimen.
Bahagi ito ng pinasok na kasunduan ng Iraq sa pamahalaan ng Estados Unidos kapalit ng pagtanggal sa kanila sa travel ban laban sa mga piling bansa sa Middle East.
Kabilang sa mga sinuyod ng US Immigration ang Detroit Michigan kung saan maraming Iraqis ang nadakip.
Ayon sa mga mga naarestong Iraqis, natatakot silang mapatay sakaling maibalik sa Iraq dahil inuusig sila sa sarili nilang bansa.
By Len Aguirre