Tinanghal na most valuable player ng NBA Finals si Kevin Durant ng Golden State Warriors na tinanghal namang champion.
Pinangunahan ng 39 points, 6 rebounds at 5 assists ni Durant ang Golden State at naungusan ang Cleveland Cavaliers sa kartadang 4-1 sa best of seven series ng finals.
Ito ang kauna-unahang NBA title ng 28-anyos na forward simula nang lumipat sa Warriors noong isang taon.
Aminado si Durant na tanging ang Cavaliers forward at team captain na si Lebron James ang kanyang pinakamalaking hamon simula pa noong 2012.
Samantala, nagpapasalamat ang 2017 NBA Finals MVP sa lahat ng suporta sa kanila ng fans na pinag-aalayan nila ng kanilang championship.
By Drew Nacino
NBA Finals: Kevin Durant itinanghal na MVP was last modified: June 14th, 2017 by DWIZ 882