Pitumpu’t dalawang (72) kilo ng iligal na droga ang nasabat ng mga awtoridad sa isang warehouse sa Las Piñas City.
Tinatayang 360 milyong piso ang halaga ng nakuhang shabu na nakalagay ng styrobox, nakabalot sa aluminum foil at tinabunan pa ng tuyong isda.
Sa bisa ng isang search warrant, isinagawa ang operasyon ng mga kagawad ng PNP-Drug Enforcement Group at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Tiongquiao St., Martinville Subd., Brgy. Manuyo sa nasabing lungsod.
Naka-address umano ang warehouse sa isang Cheng Teho Chan na una nang naaresto noong Hunyo 3 sa Parañaque City.
Maliban sa iligal na droga, may nakita ring mga makina sa ikatlong palapag at maaaring doon itinatago ang mga shabu para maipasok sa bansa at sa nabanggit na warehouse.
Sumugod naman sa lugar si PNP Chief Dela Rosa, SPD Director Chief Supt. Tomas Apolinario at NCRPO Chief Police Dir. Oscar Albayalde para inspeksiyunin ang mga nakalap na ebidensya.
ByRianne Briones | with report from Gilbert Perdez
P360-M halaga ng droga nasabat sa isang bodega sa Las Piñas was last modified: June 14th, 2017 by DWIZ 882