Nanawagan si Senate President Koko Pimentel sa publiko na suportahan ang mga ginagawang hakbang ng administrasyong Duterte para maibalik ang dangal at dignidad ng bansa.
Ayon kay Pimentel determinado ang pamahalaan na matugunan ang mga inaasahan at maipagkaloob ang mga pangunahing pangangailan ng taumbayan.
Giit ng senador, kailangan ng pamahalaan ang tulong ng publiko para maipatupad ang mga magagandang adhikain sa bansa.
Tiniyak pa ni Pimentel na suportado ng senado ang administrasyong Duterte kaya determinado silang ipasa ang panukalang batas na kinakailangan ng pamahalaan para epektibong mapunuan ang bansa.
Rebelyon naging basehan ng Pangulo para ideklara ang martial law
Kinuwestiyon ni Senate President Koko Pimentel ang paggamit ng mga anti-martial law sa terorismo bilang argumento upang kontrahin ang ipinatutupad na batas militar sa Mindanao.
Ayon kay Pimentel, hindi niya ito maunawan dahil naging batayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rebelyon sa kanyang deklarasyon.
Giit ni Pimentel, bagaman tama na ang terorismo ay hindi rebelyon ay malinaw namang may pag-aaklas sa Marawi City dahil talagang pini-lano ng Maute Group ang kubkobin ang lungsod.
Aniya, isa sa nakakumbinsi sa mga senador na may rebelyon ay ang video ng Maute Group na nagpapakita ng kanilang pag-paplano sa pagkubkob sa Marawi City.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno