Itinanggi ng AFP o Armed Forces of the Philippines na tinarget nila sa pambobomba ang mga mosque sa Marawi City na ginagawang kanlungan ng Maute Terror Group.
Ayon kay AFP Spokesman Brig/Gen. Restituto Padilla, walang katotohanan ang lumabas na ulat dahil sa may ginagamit silang ibang pagpipilian para masawata ang mga terorista.
Sa panig naman ng Malakaniyang, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na nirerespeto ng AFP ang mga mosque na napaka sagrado para sa mga kapatid na muslim.
Giit pa ni Abella, pangangalagaan ang mga mosque at iba pang mga kahalintulad na banal na lugar sa gitna ng bakbakan alinsunod sa nakasaad sa Geneva Convention na nagbabawal sa paggamit sa mga gusaling panrelihiyon sa digmaan.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping