Nanindigan si Albay Rep. Edcel Lagman na hindi pa sapat ang mga nangyayaring gulo sa Marawi City para gamiting batayan sa pagdideklara ng Martial Law sa Mindanao.
Ito ang iginiit ni Lagman na isa sa mga petitioner Kontra Martial Law sa naging pagtatanong ni Assoc. Justice Teresita Leonardo de Castro sa ikalawang araw ng oral arguments kahapon.
Ngunit tanong ni De Castro, kailangan pa bang magtagumpay ang pag-aaklas at ang paghahasik ng lagim ng Maute Group sa Marawi City bago tumugon si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil dito.
Sagot naman ni Lagman, maaaring gamitin ng Pangulo ang kaniyang calling out powers sa AFP para supilin at labanan ang puwersa ng mga terorista sa ginagawa nilang pag-aaklas at pananakop.
Ngunit sinalag naman ito ni Solicitor General Jose Calida na nagsabing, ginawa na ito ng Pangulo nang magdeklara ng State of National Emergency ngunit hindi aniya ito sumapat dahil sa dami at lakas ng puwersa ng mga terorista na umatake sa Marawi City.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo
Calling out powers ng Pangulo nailabas na pero hindi pa sapat – SOLGEN was last modified: June 15th, 2017 by DWIZ 882