Walang plano ang China na tanggapin anuman ang maging desisyon ng United Nations sa reklamong inihain ng Pilipinas sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS).
Binigyang diin ni Hua Chunying, Spokesperson ng Chinese Foreign Ministry na ang China ang biktima dahil wala silang inaagaw na teritoryo.
Sinabi ni Hua na nag-ugat ang iringan sa South China Sea dahil sa ilegal na pag-okupa ng Pilipinas sa ilang isla at bahura sa Nansha Islands ng China noong 1970’s.
Ayon kay Hua, sa kabila ng tinamo nilang kaapihan ay matinding pagtitimpi pa rin ang ginagawa ng China dahil isinasaalang-alang nila ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Una rito, kabi-kabilang reclamation activities ang ginagawa ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea dahilan upang maghain ng reklamo ang Pilipinas sa ITLOS.
By Len Aguirre