Umapela si Senador Panfilo Lacson na huwag nang gawing big deal o malaking bagay ang ilang araw nang hindi pagpapakita sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y makaraang matanong si Cabinet Secretary Leoncio Evasco na isa sa mga malalapit na kaibigan ng Pangulo sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture kaugnay sa planong pag-aangkat ng bigas ng pamahalaan.
Ayon kay Lacson, hindi na talaga dapat asahan ang maayos na kalusugan ng Pangulo dahil sa edad nitong 72 lalo pa’t hindi biro ang mga kinahaharap nitong problema ng bansa na kailangang tugunan.
Kasunod nito, tiniyak naman ni Evasco sa harap ng mga Senador na walang malubhang sakit ang Pangulo at kailangan lamang nitong magpahinga matapos ang ilang araw na sunud-sunod na pagtatrabaho.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno