Nilinaw ngayon ni Senadora Cynthia Villar na hindi niya pinaplanong ipagbawal ang unli rice.
Ito ay sa harap ng negatibong reaksyon ng publiko sa balitang isinusulong ng senadora ang unli rice ban.
Ipinaliwanag ni Villar na, pinapayuhan lamang niya ang mga Pinoy na maghinay hinay sa pagkain ng kanin dahil sa posible aniya itong maging sanhi ng diabetes at iba pang kumplikasyon sa katawan kung masosobrahan.
Binigyang kahalagahan ng senadora ang pagkakaroon ng balanseng diet.
‘Hindi ko naman sinasabi na ipagbabawal. Hindi naman tayo pwedeng gumawa ng legislation na bawal ang unlimited rice, ang sinasabi ko lang, we should balance our diet.’ paliwanag ni Villar sa panayam sa DWIZ.
Mahalaga din ayon kay Villar na maituro sa mga bata ngayon ang pagkain ng mas maraming gulay at prutas kaysa sa karne.
‘Sabi ko ituro sa mga bata ang tamang nutrisyon at pagkain, our children can learn better diet and stay healthy.’ pahayag ni Villar
By Ralph Obina
Isyu ng umano’y pagbabawal sa unli rice binigyang linaw ni Senadora Cynthia Villar was last modified: June 15th, 2017 by DWIZ 882