Kinontra ng IBP o Integrated Bar of the Philippines – Misamis Oriental chapter ang desisyon ng Korte Suprema na nagtatalaga sa mga korte sa Cagayan de Oro City
Ito’y para siyang humawak at duminig ng mga kaso na may kinalaman sa mga sangkot sa madugong Marawi Siege na nagsimula nuong Mayo 23.
Binigyang diin ng IBP sa kanilang inilabas na pahayag na nalalagay sa panganib ang seguridad ng mga miyembro ng hudikatura gayundin ang kakulangan sa pasilidad kung ililipat sa Cagayan de Oro City ang mga paglilitis mula sa Marawi.
Posibleng magdulot anila ng dagdag na tensyon sa pag-usad ng pagdinig na may kaugnayan sa kasong rebelyon at iba pa laban sa Maute group lalo pa’t maraming kamag-anak ang mga iyon sa nasabing lungsod.
Una nang hiniling ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ilipat na lamang sa Metro Manila ang pagdinig bunsod na rin ng usaping pang seguridad makaraang maaresto ang mag-asawang Cayamora at Farhana Maute.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo