Inilipat na sa kostudiya ng BJMP o Bureau of Jail Management and Penology sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang ina ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute na si Ominta Romato alyas Farhana.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, kasama ni Farhana sa pasilidad ng BJMP si dating Mayor Fahad Salic at siyam na iba pa na kinasuhan ng rebelyon sa Marawi City.
Una nang inilipat sa nasabing pasilidad ang ama ng magkapatid na Maute na si Cayamora na naaresto sa isang check point sa Davao City nuong isang linggo.
Magugunitang muling inapela ng kalihim sa Korte Suprema na ilipat ang pagdinig sa kasong rebelyon laban sa mag-asawang Maute at iba pa sa Metro Manila dahil sa usaping pangseguridad.
By: Jaymark Dagala