Nagsimula nang i-proseso ng Department of Justice o DOJ sa pamamagitan ng Board of Claims ang pagbibigay ng kompensasyon sa mga apektadong residente sa patuloy pa ring bakbakan sa Marawi City.
Pinangunahan ni DOH Undersecretary Reynante Orceo at BOC Chairman Jorge Catalan ang pagtanggap ng aplikasyon kahapon sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City.
Makatatanggap ng hanggang sampung libong (10,000) cash ang mga bakwit para sa kanilang hospitalization, medical treatment, loss of wage, loss of support at iba pa.
Una nang nangako ang Department of Social Welfare and Development o DSWD ng tig-P5,000 bilang cash assistance kada pamilya.
Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo, P1,000 ang kanilang ibibigay sa mga apektadong residente bilang food assistance sa panahon ng Ramadan.
Habang ang nalalabinig P4,000 naman ay para sa transportasyon at iba pang mga gastusin ng mga evacuees sa pagbabalik nila sa kanilang mga tahanan.
Kasunod nito, nagkaloob din ang DSWD ng family food pack na naglalaman ng anim na kilo ng bigas, tatlong de lata ng corned beef at sardinas gayundin ang anim na pakete ng kape.
By Jaymark Dagala / Rianne Briones/ with report from Jill Resontoc (Patrol 7)
Kompensasyon para sa Marawi evacuees sinimulan nang iproseso was last modified: June 16th, 2017 by DWIZ 882