Hinimok ng Department of Interior and Local Government o DILG ang lahat ng lokal na gobyerno na maghanda na sa pagpasok ng La Niña phenomenon.
Inatasan na ni DILG Officer-in-Charge Catalino Cuy ang mga provincial governor, city o municipal mayor at barangay chairmen na pulungin na ang kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils at magsagawa ng pre-disaster risk assessment lalo sa mga flood-prone at landslide-risk area.
Hinikayat din ni Cuy ang mga local chief executive na pag-aralan na ang kanilang La Niña Action Plans o Oplan Tag-ulan Plans na isinumite sa DILG field offices at tiyaking nakalatag ang mga hakbang alinsunod sa La Niña forecast ng PAGASA.
Kahapon ay nakaranas ng malakas na pag-ulan dulot ng thunderstorm ang ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila.
By Drew Nacino
Mga LGU pinaghahanda na sa pagpasok ng La Niña was last modified: June 16th, 2017 by DWIZ 882