Bumaba ang kaso ng dengue sa bansa simula Enero hanggang Mayo 20.
Ayon sa Department of Health o DOH, halos tatlumpu’t animnalibong (36,000) kaso na ng dengue ang naitala noong first quarter hanggang sa ikalawang bahagi ng second quarter ngayong taon.
Kumpara ito sa mahigit limampu’t dalawanlibong (52,000) kaso na naitala sa kaparehong panahon noong 2016.
Gayunman, nilinaw ni Health Secretary Paulyn Ubial na hindi sila kuntento sa kanilang kampanya kontra dengue sa halip ay dapat magpursige na tuluyang mapuksa ang naturang sakit na dala ng lamok.
By Drew Nacino
Kaso ng dengue sa bansa bumaba was last modified: June 16th, 2017 by DWIZ 882