Nag-iwan ng mga bomba ang Maute group sa maraming bahay na kanilang kinubkob sa Marawi City.
Ayon kay Lt. General Carlito Galvez, commanding general ng WESMINCOM o Western Mindanao Command, ito ang dahilan kayat natatagalan sila sa kanilang clearing operations sa mga barangay na nabawi na nila mula sa Maute group.
“Noong nagke-clearing po ng bahay, yung special forces po natin ay nagkaroon ng IED shrapnel, mga pako po ang tama nila, ang nakikita natin na ang ginagawa ng ating mga kalaban is nag-iinplace ng IED so yun ang medyo nagde-delay sa aming speed kasi nakalagay sa mga bahay.” Ani Galvez
Ayon kay Galvez, sa nagdaang limang araw ay malaking ground ang nakuha nila mula sa kamay ng Maute sa Marawi City.
Gayunman, tumanggi si Galvez na sabihin kung hanggang kelan pa tatagal ang labanan.
“Ang Moncado colony nakuha na natin, partly po ng buong colony na yun, may mga areas lang na nahirapan kaming kunin in almost 2 days ngayon nakuha na natin, marami tayong body counts na nakuha, sniper kills na nagawa, may mga sub leaders tayo na na-identify.” Dagdag ni Galvez
Maute hostages
Samantala, tukoy na ng militar ang kinaroroonan ng mga bihag ng Maute group sa Marawi City.
Ayon kay Lt. General Carlito Galvez, commanding general ng WESMINCOM o Western Mindanao Command, maliban sa mga bihag, natukoy nilang may mga residente pa ring naiipit sa ilang mga lugar.
Ang mga sibilyan at ang mga bihag anya ang pangunahin sa kanilang kunsiderasyon kayat hinay-hinay lamang sila sa pag-usad sa mga lugar na kontrolado ng Maute group sa Marawi City.
Matatandaan na sa unang araw pa lamang ng pag-atake ng Maute sa Marawi City noong Mayo 23 ay binihag na nila si Father Teresito Suganob at iba pang tauhan ng kanyang simbahan sa Marawi City.
“Ang primary considerations natin ay mga hostages at lives ng mga trapped civilians, yan po talaga ang medyo nagpapatagal sa atin kasi habang lumalapit tayo sa pinaka-sentro alam po natin ang locations ng ating trapped civilians, andun pa rin po, there are still a lot of civilians inside, may mga monitoring kami, we cannot divulge the information due to operation matter.” Pahayag ni Galvez
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)
Mga bahay sa Marawi tinaniman ng mga bomba ng Maute—militar was last modified: June 16th, 2017 by DWIZ 882