Halos animnapu (60) katao na ang nasawi sa evacuation centers sa Marawi City dahil sa dehydration at iba pang sakit.
Ipinabatid ito ni Health Secretary Paulyn Ubial na nagsabi ring apatnapung (40) kaso ay dahil sa dehydration samantalang labingsiyam (19) na nasawi ay dahil sa mga sakit na nakukuha mula sa pagsisiksikan sa mga evacuation centers.
Ayon kay Ubial, ilan sa mga nasawi ay mayroon na talagang sakit bago pa dumating sa mga evacuation center.
Namomonitor aniya ng DOH ang mga kaso ng gastroenteritis, upper respiratory diseases, diarrhea at skin diseases sa mahigit dalawampung libo (20,000) katao o mahigit apat na libong (4,000) pamilyang nasa evacuation centers.
Pumapalo sa animnapu’t walo (68) ang evacuation centers sa Iligan City, Cagayan de Oro City at Lanao del Sur na siyang mayroong pinakamalaking bilang ng evacuees.
By Judith Larino
Halos 60 Marawi evacuees patay sa dehydration at iba pang sakit was last modified: June 16th, 2017 by DWIZ 882