Bumagsak sa 15-month low noong Abril ang remittances ng mga Overseas Filipino Workers o OFW.
Patunay umano ito, ayon sa mga awtoridad na nararamdaman na ang epekto ng repatriation ng mga Pinoy mula sa Saudi Arabia dahil sa paghihigpit ng nasabing bansa sa pagkuha ng mga dayuhang manggagawa.
Batay sa talaan ng remittances ng mga OFW, naitala sa 2. 08 billion dollars o mas mababa ito ng halos 6% sa padala ng mga Pinoy workers.
Lumalabas sa record ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas, ang saudi ang isa sa top remittance sources.
Sinabi ni BSP Governor Amando Tetangco na nagkaroon ng 7.6% na pagbaba sa cash remittances mula sa land based workers na nakaapekto naman sa second quarter record.
By Judith Larino
Halaga ng ipinadadalang dolyar ng mga OFW sa bansa bumagsak was last modified: June 16th, 2017 by DWIZ 882