Naitala ang magkakasunod na pagyanig sa South Cotabato, Batanes at Occidental Mindoro ngayong Biyernes.
Ayon sa PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang T’boli, South Cotabato 2:07 ng madaling araw.
Dahil sa nasabing pagyanig, naramdaman ang intensity 4 na lindol sa General Santos City.
2:27 naman ng madaling araw nang yanigin ng magnitude 3.8 na lindol ang Sabtang, Batanes kung saan natukoy sa labing walong (18) kilometro timog ng bayan ng Sabtang ang sentro ng naturang pagyanig.
Samantala, intensity 3 naman ang lindol na naitala sa Basco, Batanes.
3:16 ng umaga nang yanigin ng magnitude 4.3 na lindol ang Lubang sa Occidental Mindoro na kaagad nasundan ng magnitude 3.3 pasado alas tres (3) ng madaling araw sa nasabing bayan din.
Pawang tectonic ang origin ng mga nasabing lindol.
By Judith Estrada – Larino