Pinayuhan ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang pansinin ang kanyang mga kritiko at tutukan na lamang ang kanyang trabaho.
Ayon kay Sotto, tiyak na hindi pa rin makukumbinsi ng pamahalaan ang mga kontra sa Pangulo.
Ito ay sa kabila ng ipinalabas na larawan ni Special Assistant to the President Bong Go na nagpapakitang maayos naman ang kalusugan ng Punong Ehekutibo.
Iginiit naman ni Senator Chiz Escudero na hindi na siya mag-aaksaya pa ng panahon ng manghulo sa tunay na lagay na kalusugan ng Pangulo
Ito aniya ay wala namang ipinalalabas na abiso ang Malakanyang na may seryosong karamdaman si Pangulong Duterte.
Gayunman, sinabi ni Escudero bilang isang demokratikong bansa, malaya ang sinuman na magbigay ng pananaw sa biglaang pagpapahinga ng Pangulo.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno