Markahan na ang inyong mga kalendaryo dahil madaragdagan na naman ang long weekend sa susunod na linggo.
Ito’y dahil idineklara na ng Malakaniyang bilang Non-Working Holiday ang Hunyo 26, araw ng Lunes bilang paggunita sa Eid’l Fitr .
Nakasaad sa Presidential Proclamation 235 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ibinatay ang nilalaman ng kautusan sa Republic Act 9177.
Ang Eid’l Fitr ay ang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan na isa sa mga itinuturing na haligi ng relihiyong Islam.
By: Jaymark Dagala