Dapat simulan na ng pamahalaan ang pagbuo ng long term recovery at rehabilitation program upang matiyak na agad na makababangon ang mga residente ng Marawi City na naipit sa kaguluhan.
Ito’y ayon kay Senador Sherwin Gatchalian makaraang magsumite ng resolusyon na nananawagan para simulan ang malawakang assessment sa pinsalang dulot ng pag-atake ng Maute terror group.
Ayon kay Gatchalian, magiging mabilis na ang pagbangon ng mga taga-Marawi sa sandaling mapagtagumpayan na ng pamahalaan ang laban nito kontra terorismo na itinuturing na malaking hamon ng bansa.
Nakasaad sa resolution number 404 ng Senado na dapat maging nagkakaisang-misyon ang lahat ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para sa agarang pagpapadala ng tulong upang mabilis na makabangon ang mga naipit sa bakbakan.
By Jaymark Dagala | with report from Cely Bueno (Patrol 19)
Rehab plan sa Marawi City pinasisimulan na was last modified: June 17th, 2017 by DWIZ 882