Mas makabubuting tumakbo na munang Bise Presidente si Senadora Grace Poe sa 2016 elections sa kabila ng pangunguna nito sa mga Presidential surveys.
Ayon kay Senador Sergio Osmeña III, naniniwala siyang magdudulot ng benepisyo kay Senadora Poe kung tatakbo muna bilang bise para mapag-aralan ang trabaho ng isang Pangulo bilang bago pa ito sa larangan ng pulitika.
Napakahirap aniyang isipin na kung tatakbo agad sa pinakamataas na posisyon ang senadora, sinabi ni Osmeña na posibleng maapektuhan ang buong bansa kapag nagkamali ito sa kaniyang mga bibitiwang desisyon.
Isa si Poe sa mga pinagpipilian ng Pangulong Noynoy Aquino bukod kay Interior Secretary Mar Roxas na mamanukin sa pagka-Pangulo sa darating na halalan sa susunod na taon.
By Jaymark Dagala