Muling iginiit ng NDFP o National Democratic Front of the Philippines na nasa panig sila ng pamahalaan hinggil sa paglaban sa terorismo.
Ayon sa NDFP, kaisa sila sa kumukundena at handang makipaglaban sa mga teroristang naghahasik ngayon ng karahasan sa Marawi City.
Patunay nito, sinabi ng grupo na kanila namang inatasan ang Moro Resistance and Liberation Organization na nasa loob ng Marawi City na lumaban kung kinakailangan sa mga miyembro ng Maute, Abu Sayyaf at Al Khalifa Philippines.
Maliban dito, ipinabatid ng NDFP na upang mapagtuunan ng pansin ng militar ang paglansag sa Maute sa Marawi, kanila nang ipinag-utos sa kanilang NPA units sa Mindanao na tigilan muna ang opensiba laban sa mga pulis at sundalo.
By Ralph Obina
NDFP iginiit na nasa panig ng gobyerno sa laban vs. terorismo was last modified: June 17th, 2017 by DWIZ 882