Kahit palayo na ng palayo sa bansa ang bagyong Nangka, may naiwan itong kaulapan sa loob Philippine Area of Responsibility (PAR) na naghahatak ng habagat.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), may posibilidad pa itong maging Low Pressure Area (LPA).
Samantala, ang hanging habagat pa rin ang nakakaapekto sa Luzon partikular na sa Ilocos Region at Benguet.
Paminsan-minsang pag-ulan din ang mararanasan sa Cagayan Valley gayundin sa nalalabing bahagi ng Cordillera, Zambales at ng Bataan.
Magiging maganda naman ang panahon sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa bagamat asahan pa rin ang mga pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
By Mariboy Ysibido