Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang itinuturing na pinakamalapit na tauhan ni Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon sa Zamboanga City.
Kinilala ni Joint Task Force Zamboanga Commander Col. Leonel Nicolas ang suspek na si Hamsi Amajad Marani alyas Hamsi na naaresto sa isinagawang operasyon sa Sitio Niyog-Niyog sa Barangay Muti sa nasabing lungsod.
Ayon pa kay Nicolas, isang residente ng Zamboanga City ang nag-tip sa kanila hinggil sa presensya ng Abu Sayyaf member sa kanilang lugar.
Sinasabing kilala si alyas Hamsi bilang isang trained bomber ng Indonesian terror group na Jemaah Islamiyah at nagsilbi ring close escort ni Hapilon.
Narekober mula kay marani ang ilang mga gamit sa paggawa ng bomba at napag-alamang kabilang din siya sa mga nakikipaglaban kontra sa militar sa Sulu at Basilan.
By Jaymark Dagala (With Report from Ric Clet, DWIZ Mindanao Correspondent)
Kanang-kamay umano ng Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon hawak na ng mga awtoridad was last modified: June 18th, 2017 by DWIZ 882