Nagpalabas ang US navy ng dalawang larawan ng USS Fitzgerald.
Ito ay matapos na mabangga ng Philippine Merchant ship na ACX Crystal sa katimugang bahagi ng Tokyo Bay sa Japan.
Sa isang larawan, makikita ang itsura ng USS Fitzgerald bago ang insidente at sa ikalawa ay nagpapakita ng natamong pinsala nito sa banggaan.
Ayon sa Japanese Coast Guard, pinapasok na ng tubig dagat ang nasabing US ship pero hindi naman nanganganib na lumubog.
Samantala, nagawa naman makapaglayag ng Philippine flagged ship matapos ang insidente.
Kaugnay dito, natagpuan nang walang buhay ang mga napaulat na nawawalang crew ng USS Fitzgerald na nabangga ng isang merchant ship ng Pilipinas.
Batay sa twitter post ng commander ng US Naval Forces sa Japan, nakita ng mga divers ang mga bangkay ng mga nawawalang US sailors.
Aniya, dinala ang mga bangkay sa US naval hospital Yokosuka para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito.
Sa isang hiwalay na pahayag ng US 7th fleet hindi nito kinumpirma kung nasawi na ang mga nasabing sailors, pero nakita umano ang mga ito sa nasirang bahagi ng barko na pinasok na ng tubig dagat.
By: Krista De Dios