Nanawagan ang isang obispo mula sa Mindanao na bigyan ng pagkakataon ang idineklarang martial ni Pangulong Rodrigo Duterte sa rehiyon.
Ayon kay Ozamiz Archbishop Martin Jumoad, iba at mas maganda ang batas na militar na ipinatutupad ni Pangulong Duterte kumpara sa rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Giit ng Obispo sa kasalukuyang Martial Law ay mas propesyonal ang mga militar at pulis dahil may sinusunod itong mga guidelines.
Gayunman, sinabi ni Archbishop Jumoad na oras na kontrolado na ng pamahalaan ang sitwasyon sa Marawi City ay dapat agaran na ring tanggalin ang martial law.
Kasabay nito, nanawagan si Archbishop Jumoad sa mga taga-Marawi na patuloy na manalangin sa diyos para matapos na ang kaguluhan sa lungsod.
By: Krista De Dios