Hindi kumbinsido ang SINAG o Samahang Industriya ng Agrikultura na mayroong fake rice na kumakalat sa bansa.
Ayon kay Rosendo So, chairman ng SINAG, pawang sa social media pa lamang naman ito nakikita at wala pang aktwal na sumbong hinggil dito ang mga ahensya ng pamahalaan.
Gayunman, hinikayat ni So ang taumbayan na idulog sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan sakaling maka-engkwentro sila ng pekeng bigas upang ito ay masuri at maaksyunan.
“Mababa ang presyo ng bigas kasi compare doon sa kung gagawa kapa ng fake rice tapos yung process medyo mataas ang costing, pwede siguro ibang produkto pero ang bigas kasi sabihin natin per kilo is P40.00 baka yung process na gagawa ng fake rice eh hindi ganoon ka-mura.”
“Ang mabuti is kung may ganoon na nakuha i-coordinate sa ating gobyerno para at least ma-test”, paliwanag ni So.
By Len Aguirre | Ratsada Balita Program (Interview)