Aminado ang AFP o Armed Forces of the Philippines na hindi maaaring madaliin ang bakbakan sa panig ng militar at ng teroristang Maute sa Marawi City.
Ito’y ayon kay AFP Spokesman Brig/Gen. Restituto Padilla ay dahil sa mayruon pa ring mga galamay ang Maute goup na natitira sa lugar na bumabaril sa mga sundalo.
Doble ingat aniya sila ngayon bagama’t kakaunti na lamang ang hawak na lugar ng mga terorista dahil sa mga sibilyang hawak pa rin ng kalaban at iba pang naiipit duon.
Gayunman, sinabi ni Padilla na patuloy ang pag-asa ng AFP na hindi na magtatagal at matatapos na rin ang krisis sa Marawi City upang masimulan na ang pagbangon ng mga residenteng naapektuhan ng gulo.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping