Binanatan ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Panfilo Lacson ang Department of Justice dahil sa hindi nito pagtupad sa kanilang tungkulin.
ito ang reaksyon ni Lacson makaraang payagang makapagpiyansa ng korte ang grupo ni CIDG Region 8 Director Supt. Marvin Marcos at ang mga tauhan nito na sangkot sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa sr.
Giit ni Lacson, nagkaisa ang mga Senador na miyembro ng kaniyang pinamumunuang komite na planado o premedidated ang ginawang pagpatay kay Espinosa gayundin sa kapwa preso nitong si Raul Yap kaya’t murder ang dapat maging kaso ng grupo ni Marcos at hindi homicide.
Hinangaan pa naman nila ang DOJ nuon dahil sa kanilang rekumendasyon na double murder ang isampang kaso laban sa grupo ni Marcos ngunit ito rin mismo ang humiling sa korte na ibaba sa homicide ang kaso laban sa mga akusado na siyang dahilan ng paglaya ng mga ito.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno