Hihilingin ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang kanilang kapangyarihan para resolbahin ang isyu ng umano’y pekeng bigas.
Ayon kay Piñol, may kapangyarihan silang mag-isyu ng sanitary certification subalit hindi nila ito nagagamit sa mga imported rice.
Sinabi ni Piñol na kapag binigyan siya ng go signal ng Pangulo ay hihilingin niya sa NFA o National Food Authority na payagan ang mga inspector nito na i-tsek ang imported rice mula Thailand o Vietnam bago ito mai-deliver sa bansa.
Muling tiniyak ni Piñol na iimbestigahan ang mga napaulat na nagkalat na fake rice sa merkado.
By Judith Estrada – Larino