Magkakasunod na niyanig ng lindol ang Ilocos Norte at Ilocos Sur gayundin ang Mindanao Martes ng umaga.
Mag a-alas dos (2) ng madaling araw nang niyanig ng magnitude 3 na lindol ang bayan ng Adams sa Ilocos Norte.
Naitala naman ang serye ng lindol sa ilang bahagi ng Mindanao.
Sa Zamboanga del Norte, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Sindangan.
Unang naitala ang magnitude 4.3 na lindol ang bayan ng Burgos.
Ayon sa PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ang naturang pagyanig na may lalim na sampung (10) kilometro ay naramdaman sa intensity 2 sa Laoag City.
Samantala, mag a-alas tres (3) naman ng madaling araw nang tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa bayan ng Adams at may lalim itong labing tatlong (13) kilometro at tectonic in origin.
Naramdaman ang intensity 3 na lindol sa Burgos, intensity 2 sa bayan ng Pasuquin at intensity 1 naman sa bayan ng Sinait sa Ilocos Sur.
5:00 naman ng madaling araw nang yanigin ng magnitude 3.2 na lindol ang Tarragona, Davao Oriental kung saan ang sentro ay naitala sa isandaan at labing isang (111) kilometro silangan ng bayan ng Tarragona.
Nasundan ito ng magnitude 3.3 na lindol sa Baganga, Davao Oriental, 8:36 ng umaga.
By Judith Estrada – Larino