Tiwala ang Malakanyang na sapat ang kakayahan ng AFP o Armed Forces of the Philippines para tapusin ang pakikipagbakbakan laban sa Maute Group.
Ito ang pahayag ng Malakanyang sa gitna ng panukala ng ilang US senators na isama na sa bakbakan laban sa mga terorista sa Marawi City ang mga sundalong Amerikano.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, walang nakikitang pangangailangan ang Malakanyang para lumahok ang mga sundalong Amerikano sa combat operations.
Aniya, sapat na ang ibinibigay na technical support ng Estado Unidos at hanggang doon na lamang ang kanilang papel sa Marawi City Crisis.
By Krista De Dios | With Report from Aileen Taliping