Pinababasura ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa PET o Presidential Electoral Tribunal ang isang kahilingan ni dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos.
Kaugnay ito sa request ng kampo ni Marcos para sa decryption at printing ng ballot images mula sa clustered precincts na bahagi ng protesta ng dating senador.
Ayon sa mga abogado ni Robredo, premature ang naturang mosyon ni Marcos dahil kailangan munang maresolba ang motion for reconsideration ng Bise Presidente kung sumunod ba o lumabag ang protesta ng dating senador sa requirement ng PET.
Sinabi pa ng kampo ni Robredo na nakabinbin pa rin ang resolusyon sa usapin kung handa na bang dalhin ang mga ballot boxes sa PET para sa recount purposes.
By Judith Estrada – Larino