Pansamantalang mawawalan ng serbisyo sa kanilang ATM o Automated Teller Machines ang Land Bank of the Philippines ngayong weekend.
Batay sa abiso ng Landbank, ito’y dahil sa isasailalim ang sa system’s maintenance sa kanilang ATM, cash deposit machines gayundin sa iba pang electronic banking channels tulad ng i-access, we-access at mobile banking application.
Dahil dito, hindi muna maaaring makapagsagawa ng transaksyon sa Landbank ang mga kliyente nito mula alas 10:00 ng gabi ng Sabado, Hunyo 24 hanggang alas 3:00 ng hapon ng Linggo, Hunyo 25.
Ayon sa Landbank, alinsunod sa adoption ng EMV technology na ipinatupad ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas ang gagawing system upgrade at maintenance dito.
By: Jaymark Dagala