Tinawag na anomalous at suspicious ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagkatig ng Baybay City Regional Trial Court sa naging rekumendasyon ng Justice Department.
Ito’y makaraang ibababa sa homicide mula sa murder ang kaso laban kay CIDG Region 8 Director Supt. Marvin Marcos at mga kapwa nito akusado sa pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.
Binigyang dii ng Senador na malaking dagok para sa Senado sa sistema ng katarungan sa bansa ang nasabing hakbang lalo’t mismong DOJ pa ang humiling nito sa korte.
Nakadidismaya rin aniya ang kakayahan ng ating pamahalaan na mag-usig at parusahan ang mga abusadong pulis na sangkot sa mga krimen at iregularidad.
Giit pa ni Drilon, isang malaking pang-iinsulto aniya sa Senado ang ginawa ng DOJ dahil tila binalewala nito ang naging rekumendasyon ng Senado na kasong murder ang ihain kina Marcos dahil sa paniniwalang planado ang nasabing pagpatay.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno