Tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang makapagpapasya kung itutuloy pa ba o hindi na ang nakabinbing usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng rebeldeng komunista.
Ito ang sagot ng Malakaniyang sa panawagan ng ilang mga Senador na huwag nang ituloy ang peacetalks sa mga rebelde dahil sa hindi naman nila makontrol ang mga armado nilang tauhan na naghahasik ng karahasan sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, wala pang direktiba mula mismo sa Pangulo hinggil sa magiging kapalaran ng peacetalks makaraang umatake ang mga NPA o New People’s Army sa Maasin, Iloilo.
Makailang ulit na naudlot ang naturang usapan dahil sa hinihinging kundisyon ng NDFP o National Democratic Front of the Philippines na hindi naman pinagbigyan ng pamahalaan.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping