Tanging sa Land Bank lamang ang lehitimong account ng AFP o Armed Forces of the Philippines para sa mga sundalo at apektadong sibilyan sa Marawi City.
Ito ang ginawang paglilinaw ni AFP Spokesman Brig/Gen. Restituto Padilla kasunod ng paalala nito sa publiko na mag-ingat sa mga scammers na gumagamit sa pangalan ng AFP para makapangalap ng pera.
Ayon kay Padilla, napansin nilang sinasamantala ng ilang magaling gumawa ng raket ang katayuan ng mga sundalo sa kasagsagan ng bakbakan sa pagitan ng militar at ng Maute Terror Group.
Kasunod nito, pinayuhan ng AFP ang publiko na ipagbigay alam agad sa kanila ang mga numero ng telepono o cellphone na ginagamit ng mga scammer sa kanilang raket upang maipa-block ito sa mga Telcos.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping