Hihigpitan na ng pamahalaan ang paggamit ng mga paputok o firecracker tuwing may okasyon tulad ng Pasko at Bagong Taon.
Ito’y makaraang pirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order Number 28 na nagtatakda ng regulasyon at kontrol sa paggamit ng mga paputok.
Sa ilalim ng nasabing kautusan, mahigpit nang ipinagbabawal ang paggamit ng paputok sa mga bahay-bahay sa halip ay maglalaan na lamang ng isang lugar ang komunidad para rito.
Nakasaad din sa nasabing kautusan na tanging ang Philippine National Police o PNP lamang ang naatasang magsagawa ng fireworks display sa pakikipag-ugnayan nito sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan.
Kabilang sa mga makakatuwang ng PNP ay ang Departments of Health, Interior and Local Government, Environment at Bureau of Fire para sa pagbalangkas ng IRR o Implementing Rules and Regulations.
By Jaymark Dagala / with report from Aileen Taliping (Patrol 23)
EO sa firecracker regulation nilagdaan na ng Pangulo was last modified: June 22nd, 2017 by DWIZ 882