Tiniyak ng AFP o Armed Forces Of the Philippines sa publiko na kayang-kaya na nito ang teroristang Maute group kaya’t wala nang pangangailangan para armasan pa ang mga sibilyan.
Ito ang pahayag ng AFP kasunod ng naging banta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad na magkaroon ng civil war sakaling kumalat ang pinaglalabang kaisipan ng ISIS sa Mindanao.
Kasunod nito, kinalma ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla ang publiko at ipinaliwanag na ang naging pahayag na iyon ng Pangulo ay bilang tugon lamang sa mga humihiling na armasan ang mga sibilyan.
Kapag nangyari aniya iyon, sinabi ni Padilla na tiyak na mas marami pang dugo na dadanak at duon na magsisimula ang mas malaking gulo, bagay na ayaw mangyari ng Pangulo.
By Jaymark Dagala / with report from Aileen Taliping (Patrol 23)
Publiko kinalma sa babalang civil war sa Mindanao was last modified: June 22nd, 2017 by DWIZ 882