Kapwa umapela ang Korte Suprema at Court of Appeals sa mababang kapulungan ng Kongreso na bawiin nito ang inilabas na show cause order laban sa ilang mahistrado ng Appellate Court.
Ito’y bilang buwelta ng Kamara sa inilabas na kautusan ni Court of Appeals Associate Justices Stephen Cruz, Edwin Sorongon at Niña Antonio – Valenzuela na nagpapalaya sa tinaguriang Ilocos 6 na nakakulong sa Batasan Complex mula pa nuong Mayo.
Sa isang joint statement, nagpahayag ng malalim na pag-aalala sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Court of Appeals Presiding Justice Andres Reyes sa nanging hakbang ng Kamara dahil may iba pa namang ligal na remedyo kung tutol ang mga mambabatas sa naging hakbang ng hudikatura.
Magugunitang pinatawan ng contempt ang anim na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte dahil sa hindi pag-amin ng mga ito hinggil sa umano’y iligal na paggamit ng Tobacco Excise Tax.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo