Kinakailangan ng mas matapang na batas para maparusahan at hindi makapagpiyansa ang mga sangkot sa ATM skimming at magtatangkang i-hack ang automation system ng mga bangko.
Ito ang inihayag ni Senate Committee on Banks Chairman Francis Escudero kasunod ng nangyaring aberya sa BDO o Banco de Oro – Unibak gayundin sa BPI o Bank of the Philippine Islands.
Maliban dito, sinabi ni Escudero na dapat ding mapalakas at mapahusay ang sariling I.T. Group ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas upang agarang matugunan ang mga tangkang pag-atake sa banking system ng bansa.
Sa pagtatapos ng pagdinig ng Senado kahapon, pinapurihan din ng Senador ang mga opisyal ng BDO at BPI sa pagiging propesyunal ng mga ito sa pagtukoy at pagtunton sa mga naranasan nilang aberya at binigyang diin ng mga ito na kanilang pinangangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga kliyente.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno