Nakatakdang busisiin ng COA o Commission on Audit ang mga pinasok na kontrata ng dating pamunuan ng DOTC o Department of Transportation and Communications para sa MRT Line 3.
Ito’y para mabatid ang laki at lawak ng mga alegasyon ng iregularidad na nakapaloob sa mga naturang kontrata sa ilalim ng nuo’y DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya.
Sa ipinadalang liham ng kasalukuyang DOTR o Department of transportation, sinasabing kabilang sa mga titingnan ay ang kontrata ng DOTC sa PH Trams Joint Venture na nagkakahalaga ng 1.15 Milyong Dolyar.
Gayundin ang mahigit 600 Milyong Pisong kontrata sa Global APT Joint Venture nang kunin ito bilang temporary maintenance provider ng MRT sa loob ng isang taon nuong 2013.
At ang isa pang kontrata na pinasok sa Global EPCOM Services para sa anim na buwang maintenance service nuong 2015 na nagkakahalaga ng 23 Milyong Piso.
By: Jaymark Dagala