Isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit o CAFGU ang patay sa gitna ng sagupaan ng militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Pigcawayan, North Cotabato.
Ayon kay Capt. Nap Alcarioto, Spokesman ng 602nd Brigade, dalawang (2) CAFGU naman ang nasugatan sa bakbakan.
Pitumpu’t tatlong (73) sibilyan naman ang nailigtas mula sa conflict zone na pawang binihag ng BIFF sa Barangay Malagakit.
Bagaman nakubkob ng BIFF ang Malagakit Elementary School, dakong alas-7:00 kagabi nang umatras ang bandidong grupo at iniwan ang kanilang bihag.
Dahil dito, na-contain na aniya ang kaguluhan pero nananatiling nakaalerto ang militar sa posibleng pag-resbak ng mga bandido.
By Drew Nacino
Cafgu patay sa sagupaan ng militar at BIFF sa North Cotabato was last modified: June 22nd, 2017 by DWIZ 882