Balak ng gobyermo na magtayo ng rehabilitation center na kayang mag-accommodate ng 14,500 illegal drug dependents bago matapos ang taon.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, kabilang sa mga probinsyang tinitignang pagtayuan ng rehab centers ay ang Bataan, Davao, Bohol, Bukidnon, Agusan del Sur, Sarangani, Cavite at Bicutan sa Taguig City.
Ipinabatid ni Ubial na sa kasalukuyan, ang total bed capacity ay 5,000 na nakakalat sa may 13 regional rehabilitation centers sa bansa.
Dagdag pa ng kalihim, inaasahang matatapos sa taong ito ang konstruksyon ng walong mega drug rehabilitation centers na sagot ng pribadong sektor
By: Meann Tanbio