Nanganganib ding sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Amerika at Iran.
Ito’y makaraang ibabala ng Iran ang posibleng pagpapakawala nila ng mga missile na pupuntirya sa US Forces sa Syria.
Ayon sa isang Senior Iranian leader na malapit kay President Hassan Rouhani, hindi malayong mapatalsik sa pwesto si US President Donald Trump kung ipagpapatuloy nito ang pagkompronta sa Iran at pagpanig sa mga terorista sa Middle East.
Ang Iran, na kaalyado ng Russia ang isa sa pinakamatinding karibal ng Estados Unidos sa Gitnang Silangan.
Nag-ugat ang galit ng Iran sa US nang pabagsakin ng Amerika ang Iranian government sa pamamagitan ng pag-uudyok ng coup d’etat noong 1953 na kalauna’y naging mitsa ng Iranian Revolution noong 1979.
By Drew Nacino
Pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng Amerika at Iran ibinabala was last modified: June 22nd, 2017 by DWIZ 882