Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng isang concerned citizen laban sa Motor Vehicle License Plate Standardization Program o MVLPSP ng Department of Transportation and Communication (DOTC) at ng Land Transportation Office (LTO).
Layon ng MVLPSP na kumuha at mag-suplay ng mga bagong plaka para sa bago at lumang rehistradong sasakyan.
Sa petisyon ng isang Reynaldo Jacomille, iginiit nito na ang bilyun-bilyong pisong halaga sa pagbili ng mga bagong plaka ng MVLPSP ay di dapat payagan dahil wala umano itong funding appropriations.
Tugon naman ng second division ng Korte Suprema, nagbigay ng higit sa P4 na milyong pisong pondo ang kongreso para sa MVLPSP dahilan upang maituloy pa ang pag-procure ng mga bagong plaka ng sasakyan.
By Avee Devierte